Very Old Man Is Asking For Help To Find His 4-Year Old Granddaughter. Find Out His Heartbreaking Story


Pauline Manuel, a concerned citizen shared on Facebook her experience she had while riding a public vehicle  in Rizal. 


A very old man, who was one of the passengers in the jeepney had caught her attention -- crying while holding a crumpled paper. Pauline found out he is Lolo Mariano from Bulacan but reached Rizal searching for his 4-year old granddaughter named Jelian Saldoa who has been missing for 3 weeks now.


After hearing the heartbreaking story of Lolo Mariano, Pauline cried, too. The old man was asking help to find his grandchild.

Here's some of Pauline's Facebook status written by her:  "Habang ako ay nasa jeep pa uwi sa bahay....siksikan sa loob at ang lakas ng tugtog... napansin ko ang isang lolo na umiiyak..at mayroon syang hawak na isang papel..

'Tay, bakit po kayo umiiyak?' Ang sabi nya nawawala daw ang kanyang apo....


"Jelian Saldoa raw ang pangalan Apat na taong gulang.Tatlong linggo na raw po itong nawawala..ako ay lubhang nalungkot.

"Tinanong kung anong pangalan ni lolo..Sya daw po si lolo Mariano..tinanong ko si lolo kung taga saan sya sabi nya sa Bulacan daw..'hala ang layo na po ng narating nyo napadpad na po kayo dito sa rizal'..


"Tinanong ko si lolo kung mayroon pa syang pera o pamasahe man lang sabi nya 'mayroon pa naman anak'..hindi nya tinatanggap ang mga inaabot na pera sa kanya ng mga pasahero..akala ng ibang pasahero ay namamalimos sya pero nagkamali sila..

"Ngunit dahil sa pag pilit na rin ng iba na kunin nya na ito para sa kaunting tulong ay tinanggap na rin ito ni lolo Mariano..at dahil malapit na ako kaninang bumaba ang huling sabi ni lolo sakin ay 'Anak, nag mamaka awa ako sayo tulungan mo sana akong makita ang aking apo hindi ko na alam kung saan ko sya hahanapin kung saan saan na ko nag puntang lugar pero di ko parin makita ang aking apo'..

Sa mga sandaling yun ay biglang nadurog ang aking puso.

  "Bago ako bumaba kinuhanan ko ng litrato si lolo at ang hawak nyang papel..sabi ko sa kanya wag na syang umiyak dahil gagawin ko ang alam kong paraan para matulungan sya..


"Sabi ko sa kanya 'Tay ipopost ko po ito sa fb baka sakaling marami pong maka alam o may alam kung nasaan man po ang inyong apo' ...ang sagot nya: 'sige anak maraming salamat.'

"Sabi ko 'Ingat po kayo tay,sana po makita nyo na ang inyong apo.' pagbaba ko sa jeep ay sinulyapan kong muli si lolo...sya parin ay umiiyak.

"Sana ay makita na ni lolo ang kanyang apo at sana ay walang nangyaring masama sa bata.Ako po ay nananawagan sa may mga mabuti at mahabagin na kalooban..Na sana po ay matulungan natin si Lolo Mariano."

Source: Kami

0 comments

Post a Comment